^

Metro

Acetylene gang member, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking sina­sabing miyembro ng ‘Acetylene Gang’ at umano’y kabilang sa mga lalaking nanloob sa isang pawnshop sa Pasig City noong Oktubre 9.

Sa report na ipinadala kay Eastern Police District (EPD) Director, P/Chief Superintendent Abelardo Villacorta, ni Cipriano Galanida, officer-in-charge ng Pasig City Police, nakilala ang nadakip na suspek na si Rodrigo Yumul Jr., alyas Daday, residente ng Brgy. 67, Pasay City.

Si Yumul ay inaresto ng mga miyembro ng Follow-up Unit ng Pasig City Police sa pangunguna nina SPO4 Raul Casino, SPO1 Ariel Galvelo at PO3 Larry Arevalo, dakong alas-3:00 ng hapon kama­kalawa sa Brgy. 69, Pasay City, sa pakikipagkoordinas­yon sa Pasay City Police.

Sa interogasyon, pina­nga­lanan naman umano ni Yumul ang isa pang kasamang suspek na nakatakas na si Florentino Manuel Jr., isang barangay tanod sa Brgy. 65, Pasay City.

Positibong nakilala ng isang ’di pinangalanang saksi si Yumul na isa sa mga nakita niyang lumabas mula sa creek sa Brgy. San Miguel nang maganap ang pagnanakaw sa DOS Pawnshop na pagmamay-ari ni Arlene Sunga at matatagpuan sa Market Avenue, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Sinasabing aabot sa mil­yong piso ang halaga ng cash at iba’t ibang gadget at alahas na natangay ng mga suspek mula sa naturang pawnshop.

ACETYLENE GANG

ARIEL GALVELO

ARLENE SUNGA

BRGY

CHIEF SUPERINTENDENT ABELARDO VILLACORTA

CITY

PASAY CITY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with