^

Metro

World class underpass sa Quiapo, bukas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang  tatlong buwan, binuksan na sa publiko ang maituturing na world class underpass sa Quiapo kung saan tatawagin na ito ngayong Victory Lacson­ underpass.

Pinangunahan  nina Manila Mayor Joseph Estrada at  Vice Mayor Isko Moreno ang  inagurasyon ng  bagong Victory Lacson underpass na  airconditioned,  gayundin ng hitech na  comfort rooms.

Ayon kay Estrada,  ang  renovation ng nasabing underpass ay pagbuhay sa  dating ganda at kaayusan nito.

Aniya, mabibigyan din ng sapat na seguridad ang mamimili kung saan ipa­ka­kalat ang mga security guards ng Victory Mall at ang  miyembro ng  City  Security Force.

Apela  ni  Estrada sa mga stall owners panatilihing malinis ang  kanilang mga lugar kung saan tiyakin na may sapat na basurahan upang maiwasang masalaula ang lugar.

Ang Victory Lacson underpass ay  may 26 na regular stalls, 36 kiosk 19 foodcarts at apat na ATM machine.

ANG VICTORY LACSON

ANIYA

APELA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

SECURITY FORCE

VICTORY LACSON

VICTORY MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with