^

Metro

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang isang kompanya ng langis na epektibo ngayong araw na ito.

Ang tapyas-presyo ay pinangunahan ng Petron Philippines, para sa gasoline na ibinaba sa halagang P1.20 kada litro, nasa P1.55 naman kada litro ang ibinaba sa krudo o diesel  at ang kerosene naman ay bumaba ng halagang P1.60 kada litro.

Ayon sa media affairs ng Petron Philippines, ipinatupad nila ang pagtapyas ngayong araw na ito (Oct. 12), alas-12:01 ng madaling-araw. Ito aniya ay bunsod sa pagbabago ng presyo sa world market.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga oil company kabilang dito ang Petron Philippines. Asahang susunod na ring magpapatupad ng rollback ang iba pang kompanya  ng langis.

ARAW

ASAHANG

AYON

KADA

LITRO

MATATANDAAN

PETRON

PETRON PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with