^

Metro

Puganteng lider ng robbery group, balik-kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-kalaboso ang isang pugante sa kabila na nagpabago ito ng anyo  sa pama­magitan nang pagpapatanggal sa malaking nunal sa ibaba ng labi, iniulat ng National Bureau of Investigation.

Nabatid na muling nadakip ng mga ahente ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime-Anti-Illegal  Drugs Unit sa Sta. Ana, Maynila ang convicted prisoner na si Roy Fer­nandez, 51, ng Brgy. Sta. Cruz, Bliss Project, Ozamis City at  naninirahan din sa Kahilum 2,  Pandacan, Maynila.

Si  Fernandez ay sentensiyado ng  walo hanggang 14 na taon ng  Quezon City Regional Trial Court Branch 84 sa kasong robbery with homicide ay  umeskapo sa  Sablayan Prison and Penal Farm  noong Mayo 13, 2011.

Sa impormasyon, si Fer­nan­dez ang lider ang armadong grupo sa naganap na P14-milyon payroll robbery  ng ilang kompanya sa Rosario, Cavite noong taong 2005. Sangkot din umano ito sa serye ng mala­laking holdapan sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.

Taong 2006 nang siya  at kaniyang grupo ay maaresto sa Cavite sa bigong panghoholdap, kung saan nakum­piskahan sila ng mga baril at kasalukuyang nakabinbin pa ang kaso  sa Imus Cavite RTC Branch 21.

Nakapiit pa sa NBI detention facility si Fernandez habang hinihintay na kunin siya ng mga tauhan ng Bureau of Corrections  ng New Bilibid Prison (NBP).

ANTI-ORGANIZED AND TRANSNATIONAL CRIME-ANTI-ILLEGAL

BLISS PROJECT

BUREAU OF CORRECTIONS

CAVITE

DRUGS UNIT

FERNANDEZ

IMUS CAVITE

MAYNILA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with