^

Metro

Naging viral sa social networking site totoy naglalako ng pandesal, hinoldap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging  “viral” sa social networking site ang video ng isang batang nagtitinda  ng pandesal na pinatos ng isang walang awang holdaper sa Caloocan City.

Umabot na sa 14, 495 ang share at 491, 430 na ang view ng video na inupload sa Facebook ng netizen na si Christopher Pacheco nitong Oktubre 9.

Makikita sa video ang walang tigil na pag-iyak ng batang lalaki na nasa 10-taong gulang.  Pilit na pinakakalma ito ng mga nagmamalasakit na tao ngunit nahihirapan na makainom ng tubig dahil sa takot. Nanginginig at hindi makalakad dahil sa matinding takot.

Nabatid naman na tindero ng pandesal ang bata sa may Deparo, Brgy. 168, Caloocan North at isang lalaki ang bumili dito.  Ngunit sa halip na bayaran, tinangay ng lalaki ang lahat ng paninda maging ang kita ng bata na aabot sa P200.

Umani naman ng katakut-takot na paglalabas ng galit buhat sa mga netizens ang video laban sa hindi pa nakikilalang holdaper. Wala pa namang opisyal na reaksyon ang pamunuan ng Caloocan City Police sa insidente.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN NORTH

CHRISTOPHER PACHECO

DEPARO

FACEBOOK

MAKIKITA

NABATID

NANGINGINIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with