^

Metro

Sidewalk, lilinisin sa illegal parking

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang  bahagi pa rin  ng isinusulong na  solusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa masikip na daloy ng trapiko sa Katipunan Road,  ang pagwawalis sa   mga illegal na nakarapadang sasakyan sa sidewalk   ang tututukan ngayon ng ahensiya.

Sinabi ni  MMDA Road Safety Unit head Engr. Emilio­ Llavor, nakakadagdag kasi  sa masikip na trapik sa naturang  lugar ang mga illegal na nakaparadang sasakyan sa mga bangketa.

Nabatid na ginagawa ng ilang business establishments  na kanilang parkingan ang mga sidewalk  dahilan para lalung maging matrapik sa lugar.

Ayon kay  Llavor, nagtalaga  sila ng dagdag na tao at tow trucks sa lugar upang linisin ito mula sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan.

Magugunitang, isa ang bahagi ng Katipunan na tinutukan ng MMDA dahil sa nararanasang araw-araw na masikip na daloy ng trapiko lalu na kung may mga event sa Ateneo de Manila University.

vuukle comment

ATENEO

AYON

BILANG

EMILIO

KATIPUNAN ROAD

LLAVOR

MANILA UNIVERSITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROAD SAFETY UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with