^

Metro

Aberya uli sa MRT, dahil sa putol na riles

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Putol na riles na naman ang itinuturong dahilan ng panibagong aberyang naganap sa Metro Rail Transit (MRT-3), kahapon ng umaga.

Maraming commuters ang nagpasyang gumamit na lamang ng ibang transportasyon matapos na masira na naman ang riles sa pagitan ng Santolan at Ortigas sections (north-bound) pasado alas-5:47.

Ayon kay MRT-3 officer-in-charge (OIC) Renato San Jose, pansamantalang na­ging limitado rin ang ope­rasyon ng MRT-3 sa EDSA line o mula Shaw Blvd. hanggang Taft Avenue habang sinosolusyunan ang naturang problema.

Naibalik namang muli ang full operation ng MRT-3 pagsapit ng alas-6:45 ng umaga.

Oktubre 2 ng umaga nang mapilitan ang pamunuan ng MRT na limitahan ang biyahe ng mga tren nito matapos na mapansing putol ang riles sa south-bound lane malapit sa Boni Station.

Kaagad rin naman itong sinolusyunan ng pamunuan ng MRT-3.

AYON

BONI STATION

KAAGAD

MARAMING

METRO RAIL TRANSIT

MRT

RENATO SAN JOSE

SHAW BLVD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with