Libreng bakuna sa pneumonia sa matatanda sa Quezon City
MANILA, Philippines - Magkakaloob ng libreng bakuna ang Quezon City government kontra sa sakit na pneumonia sa mahigit na 8,000 senior citizens ng lungsod, kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-75th Diamond Jubilee year dito.
Bunga nito, hinikayat ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang mga senior citizen na samantalahin na ang pagkakataong ito na makalibre ng bakuna kontra pneumonia – na isa sa mga ugat ng pagkamatay ng nakararaming matatanda sa ngayon.
Ang pneumonia ay isang inflammatory condition ng ating mga baga na kalimitay nagkaka-impeksiyon dulot ng mga bacteria at viruses na nakukuha natin sa ating paligid. Ang libreng bakuna ay isasagawa ng mga city health workers sa Oktubre 18 sa iba’t ibang health centers sa anim na distrito ng lungsod.
- Latest