^

Metro

Pagkuwestiyon sa paggiba sa Admiral hotel, pamumulitika – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pamumulitika lamang ang  pagkuwestiyon sa ginawang demolisyon  sa Admiral Hotel.

Ito naman ang nakikita ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kabila ng pagi­ging legal ng pagbebenta  ng Lopez-Araneta family sa developer na  Anchorland.

Sa pagbisita ni  Estrada sa  ginanap na session sa konseho ng Maynila, sinabi nito na  hindi niya alam ang motibo ni Historical Conservation Society of the Philippine (HCSP)  President Ivan Henares kung bakit pinipilit na may historical value ang  nasabing  hotel samantalan mismong ang  National Historical Commission ang nagsabi na wala naman itong significance.

Naniniwala si Estrada na may pulitikong nasa likod nito na pilit na ginigiba ang  mga programa at plano niyang maibangon  mula sa pagkakautang ang lungsod ng  Maynila.

Aniya,  posibleng threat ang  tingin sa kanya ng kanyang mga  kalaban  upang maisalba ang kanilang political career. 

Sa ngayon aniya ay pinagtutuunan niya ng pansin  ang pagbabayad  sa mga utang ng city government gayundin ang pagbibigay ng  benepisyo  sa mga empleyado.

Apela ni Estrada sa kanyang mga bumabatikos sa kanya, malayo pa ang  2016 at makabubuti kung  pagtutuunan ng pansin ang  kapakanan ng  bansa.

 

 

ADMIRAL HOTEL

ANCHORLAND

ANIYA

HISTORICAL CONSERVATION SOCIETY OF THE PHILIPPINE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NATIONAL HISTORICAL COMMISSION

PRESIDENT IVAN HENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with