^

Metro

Mastermind sa ‘EDSA hulidap’, sumuko

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko na sa Criminal Investigation and  Detection  Group (CIDG) ang sinasa­bing mastermind sa ‘EDSA Hulidap’ matapos na maging viral sa social media at  ituro ng  iba niyang kasamahan.

Ayon kay  CIDG spokesperson Chief Insp. Elizabeth Jasmin ang pagsuko sa Camp Crame ni Sr. Insp. Oliver Villanueva ay upang linisin ang kanyang pangalan matapos na masangkot sa insidente noong nakaraang buwan.

Base sa pahayag aniya ni Supt. Romeo Baleros, hepe ng CIDG- Detective Special Operation Unit, si Villanueva  ay dumating sa CIDG office, ganap na alas-8 ng gabi noong Huwebes kasama ang kanyang abogado na si Atty Magnum Agpaoa. Si Villanueva, 38, ang hepe ng  intelligence and investigation branch sa La Loma police station sa Quezon City.

Nitong September 1, isang motorista ang nag upload ng larawan sa Twitter na nagpakita ng mga armadong lalaki sakay ng ilang sasakyan na nakapalibot sa isang sport utility vehicle na tila tinatakot ang sakay nito.

Ang insidente ay kalaunan nalamang isang kaso ng robbery at abduction sangkot ang higit sa 10 pulis, karamihan ay nakatalaga sa La Loma police station.

Si Villanueva ang itinuro ng kanyang mga kasamahang pulis na umano’y mastermind sa operation, kung saan ang dalawang biktima ay nawalan ng higit sa halagang P2 million.

Sinabi ni Jasmin na ang CIDG din ang mage-escort kay Villanueva sa sandaling ipatawag na ito sa Mandaluyong City prosecutors’ office para sa preliminary investigation.

 

ATTY MAGNUM AGPAOA

CAMP CRAME

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION

DETECTIVE SPECIAL OPERATION UNIT

ELIZABETH JASMIN

LA LOMA

MANDALUYONG CITY

SI VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with