Miyembro ng ‘Ipit-taxi’, timbog
MANILA, Philippines -Nadakip ang isa sa walong miyembro ng ‘Ipit Taxi gang’ nang aksidenteng marinig ng isang pulis-Maynila ang pag-uusap ng mga ito hinggil sa panghoholdap sa pasahero sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng naarestong si I-Jay , 17 , 3rd year high school at residente ng Paco.
Sa ulat, sinabi ni PO2 Redentor Quilala, ng Union St., Paco at nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), dakong alas-7:20 ng gabi kamakalawa habang ipinaparada niya ang kaniyang motorsiklo ay nagkataong dumadaan ang grupo ng mga lalaki at narinig niya na “Ok tong natira natin, bilisan niyo baka may makasunod pa sa atin”.
Nang tingnan niya ay nagmamadaling maglakad ang mga lalaki at isa sa mga ito ang may hawak na shoulder bag na pambabae, na paliko umano sa Felina St. kaya muling pinatakbo ang motorsiklo at sinundan ang grupo.
Tinapatan niya ang may hawak ng shoulder bag at sinunggaban, dahilan upang magpulasan at nakatakas ng iba pang kasamahan habang hawak na ang suspek na si I-Jay.
Binitbit ito sa barangay hall ng Brgy.683 Zone 74 .
Nakontak din ni Quilala ang may-ari ng bag na lumutang sa presinto na kinilalang si Evelyn Mercado, 24, dalaga, accountant sa isang opisina sa Muntinlupa City.
Sa paglutang ng holdap victim, isinalaysay niya kasama ang naarestong suspek sa nagbukas sa sinasakyan niyang taxi, dakong alas- 7:01 ng gabi, kamakalawa, habang nakahinto dahil red traffic light, sa panulukan ng Quirino at P. Gil, nagdeklara ng holdap at tinutukan siya ng patalim at kinuha ang kaniyang bag.
Naglalaman ang bag ng I-Phone 4s na nagkakahalagang P30,000 at mga personal na gamit, passport, credit card at health card at ang $10 at P200 na cash.
Nabatid na ang modus ay kundi magdeklara ng holdap habang nakahinto ang taxi para holdapin ang pasahero ay sumasakay ang mga suspek sa magkabilang pintuan ng taxi para mangholdap. (Ludy Bermudo)
- Latest