^

Metro

Package ng shabu nasabat sa cargo service sa Pasay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang package ng hinihinalang shabu ang na­sabat ng mga operatiba ng International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang cargo office ng isang international express courier service sa Pasay City.

Ayon kay Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., Director General of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-IADITG Task Group Commander, ang package na naglalaman ng plastic sachet ng shabu ay nakatago sa pagitan ng isang dictionary ng isang shipment patungong South Australia.

Sabi ni Cacdac, nasabat ang nasabing droga nang magtungo ang  duty officers ng  PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) Airport Interdiction Unit na si Atty. Jacquelyn de Guzman sa naturang cargo office para i-verify ang reports hinggil sa isang parcel na naglalaman ng hinihinalang illegal drugs.

Ang sample ng nasamsam na substance ay isinailalim sa methaphetamine reagent field test at positibo itong may presensya ng shabu.

Isinumite na ang sample ng shabu sa PDEA Laboratory service para sa confirmatory testing.

Ang package na dadalhin para isakay sa barko patungong Adelaide, South Australia ay mula sa BF Homes, Parañaque City kung saan ito galing.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PDEA sa pangalan ng consignee na nakalagay sa naturang parcel.

AIRPORT INTERDICTION UNIT

CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG INTERDICTION TASK GROUP

PASAY CITY

REGIONAL OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

SOUTH AUSTRALIA

TASK GROUP COMMANDER

UNDERSECRETARY ARTURO G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with