^

Metro

Mga preso sa Caloocan City jail mistulang sardinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng pa­mahalaang lungsod ng Caloocan ang labis na siksikan sa kanilang city jail na umaabot na sa 923 por­syento ang “congestion”.

Sa ulat ni Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP)-Caloocan City chief, Atty. Paulino Moreno, Jr. sa lokal na Peace and Order Council, sinabi nito na kasalukuyang may 1,227 na bilanggo ang laman ng Caloocan City Jail na kaya lamang maglaman ng 257 inmates.

Sa kanilang tantiya, napakalalang 923% ang con­gestion sa naturang bilangguan na maaaring dahilan ng madalas na pagkakasakit ng mga bilanggo.

Dahil dito, nangako si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na sosolusyunan ang malalang problema na kinaka­harap ng mga bilanggo. 

Agad nitong inatasan ang City Planning Department at City Engineer’s Office para humanap ng bakanteng lote sa lungsod na pag-aari ng lokal na pamahalaan para posibleng pagtayuan ng bagong city jail.

Inatasan naman ng al­kalde si Moreno upang makipagkoordinasyon sa Department of the Interior and Local Government at Department of Justice para sa posibilidad na pangga­lingan ng pondo para sa panukalang city jail.

Sa kabila umano ng ma­tinding siksikan, patuloy naman ang mga programa ng pamahalaan para sa mga bilanggo partikular ang City Labor and Industrial Re­lations Office (LIRO).

Kabilang dito ang pagbi­bigay ng high school at vocational­ education katuwang ang Department of Education; pagsasanay sa “massage therapy, welding, at iba pang pangkabuhayan upang may makuhang ma­ayos na trabaho sa paglaya.

 

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY JAIL

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CITY

CITY ENGINEER

CITY LABOR AND INDUSTRIAL RE

CITY PLANNING DEPARTMENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with