^

Metro

Putol na riles, dahilan ng bagong aberya ng MRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling dumanas ng panibagong aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga bunsod ng nadiskubreng putol na riles.

Ayon kay MRT-3 Of­ficer-In-Charge Renato San Jose, dakong alas-7:45 ng umaga ng Huwebes nang magpatupad ang MRT ng provisional service mula Shaw Boulevard hanggang North Avenue station at balikan, dahil sa putol na riles.

Aniya, unang nagpakita ng truck abnormality ang signaling system kaya pinayuhan nila ang driver­ ng tren na malapit sa area upang alamin ang eksaktong nangyari doon.

Dito na umano nakita ng driver na may putol na riles sa south-bound lane makaraan ang Boni station.

“Hindi po pwedeng pa­daanan ng tren (mula Shaw to Taft Avenue) dahil baka madiskaril ang tren, ani San Jose.

Inayos naman aniya ka­agad ng mga awtoridad ang sirang riles at idinugtong ito, sanhi upang maibalik ang full line operations mula North Avenue hanggang Taft Avenue pagsapit ng alas-8:40 ng umaga.

 

ANIYA

AYON

BONI

IN-CHARGE RENATO SAN JOSE

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

SAN JOSE

SHAW BOULEVARD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with