^

Metro

MMRA ipapalit sa MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinahayag kahapon ni Metropolitan  Manila Develoment Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino na walang magiging problema sa kanya hinggil sa panukalang  palitan ang naturang ahensiya para sa pagbuo ng bagong  Metropolitan Manila Regional Administration (MMRA).

Sinabi nito,  kung ano aniya ang makakabuti para sa maayos na pagpapatakbo sa Metro Manila ay walang dahilan upang tutulan niya ito.

Ayon kay Tolentino, maganda  umano ang layunin ng panukala dahil pagpapakita ito na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang po­sibleng  problemang kakaharapin  sa Metro Manila.

Sinabi pa ng MMDA chairman, pagpapakita lamang ito na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno  ay kumikilos  upang tugunan ang mga problemang  kinakaharap ng Kalakhang Maynila kabilang na dito ang pagbaha, trapik basura at iba pa.

Matatandaang, ipinanukala ni  Caloocan Congressman  Edgar Erice  ang pagbuo ng MMRA, na hindi lamang ito pagkakalooban ng administrative at coordinative powers­ tulad ng  kapangyarihan tag­lay ngayong ng MMDA,  kundi maging  police powers ay pagkakalooban din ito,   na sa ngayon ay wala ang MMDA.

CALOOCAN CONGRESSMAN

EDGAR ERICE

FRANCIS TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

MANILA DEVELOMENT AUTHORITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA REGIONAL ADMINISTRATION

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with