Nakalusot sa huli sa number coding dahil sa calling card, PNP General nakaladkad sa pinost ng FHM model
MANILA, Philippines – Nakaladkad sa kontrobersya ang isang heneral ng PNP matapos na maipost at ipagmalaki ng isang FHM model sa social networking site ang paggamit nito ng calling card ng opisyal para makalusot sa number coding sa isang lugar sa Metro Manila.
Si FHM model Alyzza Agustin ay umani ng batikos sa mga netizen sa ipinoste nito sa kanyang facebook account.
“Please assist may EA, Alyzza Agustin,” na nakasaad sa calling card na pirmado ni PNP Director for Plans P/Director Alexander Ignacio na ibinigay sa FHM model.
Kasunod ng photo ng calling card ay ang mga katagang sinulat ni Alyzza na kanyang naipost ay ang “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala nang huli- huli. Thank you so much sa napaka-useful mong card with matching dedication,” ani Agustin sa kanyang post.
Nabatid pa na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng FHM model ang calling card in Ignacio para makalusot sa number coding ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nabatid na si Agustin ay kabilang sa FHM 100 Sexiest Women sa taong 2013.
Samantalang nagtataka rin ang netizen kung ano ang ibig sabihin ng EA na isinulat ng heneral.
Bilang reaksyon, sinabi naman ni PNP Spokesman Senior Supt. Wilben Mayor na si Ignacio ay nasa ibayong dagat.
Samantalang bahala na rin umano si Ignacio na magpaliwanag sa isyu sa pagbabalik nito sa bansa.
- Latest