2 ‘tiktik’ ginawaran ng P1.8-M ng PDEA
MANILA, Philippines - Dalawang sibilyang impormante ang tumanggap ng kabuuang P1.8 million cash rewards dahil sa pagbibigay nila ng impormasyon na naging sanhi para mabuwag ang ilang sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
Ang dalawang impormante ay kinilala lamang sa kanilang codenames na Cold Ice at Bombay ay binigyan ng tinatawag na monetary rewards sa PDEA National Headquarters sa Quezon City sa isang simpleng seremonya kahapon.
Si Cold Ice ay nakatanggap ng pinakamalaking gantimpala na aabot sa P1,092,842.20 dahil sa impormasyong ibinahagi nito sa ahensya kung saan nakumpiska ang aabot sa 14,593.69 gramo ng shabu at pagkakadakip ng tatlong drug pushers nang isagawa ang entrapment operation sa panulukan ng Examiner Street at West Avenue, Quezon City noong August 25, 2014.
Habang si Bombay naman ay ginawaran ng halagang P57,946.83 dahil sa impormasyong ibinahagi nito na nagresulta sa pagkakasamsam ng 9,999.71 gramo ng shabu at pagkakadakip sa isang dayuhang drug pusher sa Barangay San Vicente, Quezon City noong August 8, 2014.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang gantimpala para sa mga sibilyan ay alinsunod sa programang Operation Public Eye (OPE) isang citizen-based information collection program ng kagawaran, Dangerous Drugs Board (DDB) at ng mga non-government organizations kasapi sa pagkahalahatang kampanya laban sa iligal na droga.
- Latest