^

Metro

Public consultation ni Joy B sa pagnenegosyo, umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinangunahan ni Quezon City  Vice Mayor Joy Belmonte kahapon ang pagsasagawa ng public consultation sa district 2 at district 5 ng QC para makuha ang damdamin ng mga maliliit na negosyante dito  tungkol sa takdang pagpapatupad sa magna carta for micro and small business enterprises.

Ayon kay Belmonte, layunin nito na matulungan ang maliliit na mga negosyanteng taga- lungsod na  umunlad at makipag- kumpetisyon sa ibang mga negosyo .

“We will help them kung paano mabuhay, dito maipapadama natin sa mga tao laluna ng mga maliliit na negosyante na puwede pala silang makipag kumpetisyon sa ibang businesses sa tulong ng magna carta” paliwanag pa ni Belmonte.

Ang tanggapan ni Belmonte ay iikot sa iba’t ibang distrito sa lunsod upang isagawa ang public consultation tungkol sa magna carta, ang hakbang ay isang requirement o magiging basehan kung nararapat nga bang maipatupad sa QC ang naturang magna carta.

Ang magna carta for micro and small business enterprises ang lilikha sa QC small business development and Promotion Office  at bubuo sa micro and small enterprise development council na layuning tulungan ang mga maliliit na negosyante na umunlad sa kanilang pamumuhay.

Sa ilalim ng Magna carta, ang mga micro at small businessmen na may puhunan na P3 milyon pababa ay bibigyan ng 20 percent discount sa business tax sa loob ng 3 taong operasyon.

 

AYON

BELMONTE

CARTA

MAGNA

PINANGUNAHAN

PROMOTION OFFICE

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with