^

Metro

LRT nagkaaberya uli

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagkaaberya ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) 1 at ilang minutong naantala ang operasyon nito dahil sa problemang teknikal ng bagon nito, kamakalawa ng gabi.

Nabatid kay Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng Light Trail Transit Authority (LRTA), alas-7:35 ng gabi nang magkaproblema  ang isang tren sa bahagi ng Doroteo Jose Station­ north-bound.

Ayon kay Cabrera, nabatid na labing limang minuto lamang naantala ang biyahe  at agad naman aniyang  naibalik sa normal ang operasyon nito  alas-7:50 ng gabi matapos maitulak ang isa sa mga bagon nito.

Aniya agad naman natanggal ang train  na nagkaproblema, kung  kaya’t hindi naman naging malala ang naging aberya ng biyahe  nito .

“Ang priority kasi maitulak muna natin para gumalaw na rin ‘yung ibang mga tren na nasa likod at para magtuluy-tuloy ang biyahe” pahayag pa ni Atty. Cabrera.

 Hindi naman maipaliwanag ni Cabrera kung anong uri ng problemang teknikal ng naturang train.

 

ANIYA

AYON

CABRERA

DOROTEO JOSE STATION

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT TRAIL TRANSIT AUTHORITY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with