^

Metro

Mobile lab cart, tulong sa mga mag-aaral -- Mayor Lani

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makapagsasagawa na ng hands-on science experiments ang mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Taguig sa tulong ng bagong mobile science laboratory na ibinigay ng Department­ of Science and Technology (DOST) noong ika-1 ng Setyembre.

Ang mga kagamitan na tinanggap ng Department of Education Taguig-Pateros Division (DepEd-TaPat), ay magbi­bigay ng pagkakataon sa mga guro at mag-aaral na gumawa ng mga eksperimentong hindi nila nagagawa dati dahil sa limitadong­ pasilidad.

Aniya, hindi lahat ng pampublikong paaralan ay nakapagsasagawa ng mga hands-on science experiment na hamon sa  kinakaharap ng mga guro araw-araw. Ang mobile laboratory cart, na nasa pangangalaga ng DepEd-TaPat,  ay naglalaman ng mahahalagang kagamitan  tulad ng microscope, test tubes, flasks, beakers, at timbangan, na maaaring gamitin ng mga pampublikong paaralan.

Magiging kabalikat ng iba pang programa ng Taguig sa mga pampublikong paaralan tulad ng Computer-Assisted Learning System (CAL) sa ilalim ng Taguig Cyber Education Program - kung saan isinama sa curriculum ang paggamit ng information and communication technology - sa layuning mapanatili ang pangunguna nito sa National Achievement Test (NAT) sa buong Metro Manila ngayong taon.

ANIYA

COMPUTER-ASSISTED LEARNING SYSTEM

DEPARTMENT OF EDUCATION TAGUIG-PATEROS DIVISION

METRO MANILA

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST

SCIENCE AND TECHNOLOGY

TAGUIG

TAGUIG CYBER EDUCATION PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with