^

Metro

Number coding, operasyon ng Pasig River Ferry, sinuspinde

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pananalasa ng bagyong Mario, sinus­pinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding sa ilang pangunahing lansangan ng Kalak­hang Maynila kahapon, araw ng Biyernes.

Maging ang Makati at Las Piñas City na hindi nagpapatupad ng window hour sa number coding­ ay nagsuspindi na rin kahapon ng number coding.

Ang naging hakbangin ng MMDA ay dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Mario at walang humpay na pag-ulan sa Metro Manila.

Samantala, sinus­pinde rin kahapon ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry System para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay.

Inihahanda na ng MMDA  ang pakikipag-ugnayan sa lokal na opisyal ng Marikina ang  Tumana, Marikina eva­cuation center dahil na rin sa tumataas na water level ng Marikina River.

BIYERNES

DAHIL

LAS PI

MARIKINA RIVER

MARIO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG RIVER FERRY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with