^

Metro

2 killer ng Pangasinan mayor, lider ng gun-for-hire gang, 4 pa timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga awto­ridad ang isang notoryus na gun for hire gang makaraang masakote ang lider nito at apat na tauhan, dalawa rito ay hinihinalang  responsable sa pagpaslang sa alkalde ng Pangasinan sa isina­gawang raid sa Sta. Rosa City, Laguna­, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong ang nasakoteng lider ng gun for hire gang na si George Fajardo, alyas Lorezo at may-ari ng sinalakay na farm.

Ang iba pang nadakip ay sina Ricardo de Rueda Jr., Pablo Ortiz Javier, Norito Garfel at Estrella Lina.  Ayon sa opisyal, bukod sa pagiging gun for hire gang ay sangkot din ang grupo sa illegal gambling at illegal drugs operation.

Bandang alas-3:10 ng madaling-araw nang salakayin ng mga operatiba ng CIDG Laguna sa pamumuno ni Supt. Alex Tagum ang mga suspek sa isang farm sa Brgy. Makabling sa lungsod na ito.

Nasamsam sa pag-i­ingat ng mga ito ang apat na matataas na kalibre ng armas, anim na pistol, 11 shotguns, 20 piraso ng cal. 9mm pistols, bulto ng mga bala, humigit-kumulang sa isang kilo ng shabu, electronic weighing scale at mga drug paraphernalia.

Ayon naman kay Supt. Pergentino Malabed, hepe ng Sta. Rosa City Police, sa mga naarestong suspek, dalawa ang lumitaw na sangkot sa pamamaslang kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr. ng lalawigan ng Pangasinan.

Magugunita na noong Hunyo 7 ng taong ito ay pi­nagbabaril ng mga armadong salarin si Balolong na ikinasawi rin ng security escort nitong si PO1 Eliseo Ulanday at ang supermarket electrician na si Edmund Meneses sa naganap na insidente sa Urbiztondo Convention Center.

Si Balolong ay nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa lugar kaugnay ng gaganaping ika-25th Silver wedding anniversary nito at ng kaniyang misis na isasabay sana sa kasal ng kaniyang anak na si Councilor Voltaire Balolong noong Hunyo 8 ng mangyari ang insidente.

Ang insidente ay nagresulta rin sa pagkasugat ng apat pang katao kabilang ang isa pang aide ni Balolong na si Rex Ferrer.

Itinurnover na kahapon sa tanggapan ng PNP-CIDG sa Camp Crame  ang mga nasakoteng suspek.

ALEX TAGUM

AYON

BALOLONG

CAMP CRAME

CHIEF P

COUNCILOR VOLTAIRE BALOLONG

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with