^

Metro

Bagamat nakapagpiyansa na paglaya ni Deniece Cornejo, naunsiyami

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng nakapag­lagak na kahapon ng P.5 milyong piyansa ang model­ na si Deniece Cornejo ka­ugnay sa kinakaharap na kasong serious illegal detention na isinampa ng actor/ TV host na si Vhong Navarro ay naunsiyami  naman ang paglaya nito makaraang magkulang ang requirements para sa kanyang release order.

Nakapaglagak na rin ng kalahating milyong piyansa kahapon ang model ayon kay Atty. Ferdinand To­pacio, abogado ni Cornejo, isang fiscal ang maagang nakaalis sa kanyang tanggapan kaya hindi napirmahan ang kanyang clearance sa piskalya.

Nauna rito, naglagak si Cornejo ng cash bond na P500,000 na kanilang inilagak sa Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Ani Topacio, hindi agadnaisaayos at nakumpleto ang mga kinakailangan na dokumento ni Cornejo kaya naiwan siya sa paglaya kamakalawa nina Cedric Lee at Zimmer Raz na kapwa akusado sa kaso.

Inihayag pa ni Topacio, nakahanda ang kanyang kliyente na harapin ang
mga kaso na isinampa ni Navarro.

Lubos din nagpapasa­lamat ang kampo ni Cornejo kay Judge Paz Espe­ranza Cortes ng Taguig RTC Branch 271 dahil kina­tigan ang kanilang apila na makapagpiyansa.

Dismayado naman ang kampo ni Navarro sa deve­lopment ng kanyang isinampang kaso laban sa mga akusado na sina­sabing responsable sa pambubugbog sa kanya.

vuukle comment

ANI TOPACIO

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FERDINAND TO

JUDGE PAZ ESPE

NAVARRO

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with