200 ‘tablet’ ipinamahagi
MANILA, Philippines – Umaabot sa 200 na tablet ang ipinamahagi sa apat na pampublikong paaralan bilang bahagi ng E-Learning Program ni Manila Vice Mayor isko Moreno.
Mismong si Moreno ang nanguna sa pagbibigay ng Android tablet sa Florentino Torres High School sa Gagalangin, Tondo; Timoteo Paez, Integrated School, Balut, Tondo; Esteban Abada High School, Dapitan at Emilio Aguinaldo High School, Punta, Sta. Ana.
Ayon kay Moreno ang pamamahagi ng tablet ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makasabay sa makabagong teknolohiya na ipinatutupad ngayon sa mga private school.
Hindi umano dapat na maging malayo ang agwat ng estado ng edukasyon ng public schools sa private schools.
Aniya ang bawat estudyante ay may karapatan na magkaroon ng sapat at makabagong pamamaraan sa larangan ng edukasyon.
Aniya, wala nang imposible sa panahon ngayon kung kaya’t dapat na samantalahin ng mga mag-aaral ang pagkakataon na mag-aral sa tulong na rin ng mga city officials na handang maglaan ng tulong.
- Latest