Kasong administratibo, isinampa vs 6 Las Piñas cops
MANILA, Philippines - Pansamantalang sinampahan muna ng kasong administratibo ang anim na pulis na sangkot umano sa pagkidnap at pangongotong sa isang obrero na hanggang sa ngayon ay hindi pa lumulutang ang biktima sa Las Piñas City.
Ayon kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, na kakastiguhin at papatawan nila ng kaukulang parusa sakaling mapatunayan na sangkot umano sa kidnapping at pangingikil sina SPO4 Jhon Miranda; SPO2 Jerry Fernandez; SPO2 Jay De Guzman; PO3 Gil Anos; PO3 Hernan Pua at isang SP01 Sabbon na pawang nakatalaga sa Anti-Crime Follow-Up Unit.
Hanggang sa ngayon ay kinukumbinsi ng pamunuan ng Las Piñas City Police ang biktimang si Guillermo Dario, ng Brgy. Talon, Las Piñas City na lumutang na ito upang mailabas ang katotohanang pangyayari.
Nabatid, na noong Martes ay kaagad na sinibak ni Samala sa puwesto ang nabanggit na mga pulis.
Matapos magreklamo sa tanggapan ng National Press Club (NPC) si Dario laban sa anim na pulis ng Las Piñas City matapos umano siya nitong kidnapin at kikilan ng pera.
- Latest