^

Metro

‘One truck lane’ pinalawig ng MMDA sa Katipunan Road

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapatupad na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘one truck lane policy’ sa kahabaan ng Katipunan Road ngayong araw na ito (Sabado, Sept. 13).

Nabatid, na simulang  ipinatupad ng MMDA ang ‘one  truck lane policy’ sa kahabaan ng C-5 Road noong Setyembre 1 na ngayon nga ay pinalawig na rin sa kahabaan ng Katipunan Road. 

Ayon kay Atty. Emerson Carlos, Assistant General Manager ng MMDA,  dahil sa naturang polisiya, isinara  ang apat na u-turn slot sa may area ng Aurora Flyover at C.T. Garcia.

Matatandaan, na  naunang isinara ng MMDA ang pitong u-turn slots nang simulang ipatupad ang naturang patakaran.

Nabatid na sa naturang polisiya, exclusive  ang truck lane kapag window hours simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga­.

Pero kapag umiiral ang truck ban, maaari namang dumaan ang ibang sasakyan sa innermost lane.

 

ASSISTANT GENERAL MANAGER

AURORA FLYOVER

AYON

EMERSON CARLOS

GARCIA

KATIPUNAN ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with