Ret. police colonel na gumulpi sa FBI agent, lumutang
MANILA, Philippines - Lumutang na rin kahapon sa Pasay City Police ang isang retired police colonel na kabilang sa umano’y gumulpi sa isang ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa simpleng away trapiko noong Lunes ng gabi.
Ayon kay Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, alas-8:00 ng umaga nang magtungo sa kanilang tanggapan si retired Police Colonel Odelon Ramoneda, ng Brgy. Munting Batangas, Balanga City, Bataan.
Pinabulaanan nito, na wala umanong katotohanan ang akusasyon sa kanila ng biktimang si FBI Special Agent Lamont Siler at itinanggi rin nito na wala silang dalang armas ang kanyang mga bodyguard. Subalit, hindi naman niya ibinigay ang mga pangalan ng kanyang mga bodyguard na sangkot umano sa panggugulpi.
Matatandaan, na ang FBI agent ay ginulpi umano ng lima hanggang anim na kalalakihan kabilang ang naturang retired colonel noong Lunes ng gabi sa Pasay City dahil lamang sa away trapiko.
- Latest