Obrero itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek , kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang Si Janiero Brazil, ng Brgy., Parañaque City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Ferdinand Orbeta, ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-9:45 ng gabi sa Block 2, Pamasawata St., Dagat-Dagatan, Brgy. 28 ng nasabing lungsod.
Napag-alaman na naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang salitang pinagbabaril ang una na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Kaagad na tumakas ang suspek matapos isagawa ang pamamaril, habang blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpaslang.
- Latest