^

Metro

5 pang parak sa ‘kidnap-hulidap’ sa EDSA, sumuko

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima pang pulis na   idinadawit sa ‘kidnap-hulidap’ sa EDSA, Mandaluyong City ang sumuko na rin kahapon sa Quezon City Police District, ayon sa ulat kahapon.

Gayunman, habang isinusulat ang balitang ito ay  hindi pa ibinibigay ng QCPD ang mga pangalan ng mga sumukong opisyales, dahil sa umano’y may gagawin pang interogasyon sa mga ito.

Subalit, ayon sa inisyal na impormasyong ibinigay ng isang opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan lumutang na rin umano sina  SPO1 Ramil Hachero, PO1 Mark de Paz, PO2s Ebonn Decatoria, Jerome Datiguinoo, at Weaven Masa,  pawang nakatalaga sa La Loma Police Station 1 ng QCPD.

Dahil dito, tanging ang  pinaghahanap na lamang sa mga nasangkot na parak sa insidente sa EDSA ay sina Senior Insp. Marco Polo Estrera, (dismiss) at Sr. Insp. Oliver Villanueva.

Nitong Miyerkules  sumuko sa QCPD si Senior Insp. Allan Emlano ng Caloocan City Police, para linisin umano ang kanyang pangalan matapos idawit sa kaso ng ‘kidnap-hulidap’ sa Edsa.

Nauna rito, nanawagan si QCPD Director Chief Supt. Richard Albano sa mga sangkot na pulis na kusa nang sumuko upang sagutin ang pagkakadawit sa kanilang pangalan hingil sa isyu.

Samantala, dalawa na namang pulis, buhat sa Eastern Police District (EPD) ang dinisarmahan at tinanggal sa pwesto matapos na ireklamo ng kasong kidnapping, robbery at iba pang kaso sa Pasig City.

Mismong si EPD Director P/Chief Supt. Abelardo Villacorta ang nagprisinta sa media kahapon sa mga suspek na sina PO3 Arnel Roque at PO1 Roan Garcia, na kapwa nakatalaga sa Pasig City Police Station.

Ang dalawa ay inireklamo ng mga kasong Kidnapping, Serious Illegal Detention, Robbery at Violation of Domicile, sa Pasig City Prosecutor’s Office dahil sa reklamo ng mag-asawang biktima na sina Mark at Hazel Pablo ng Barangay Buting, Pasig City.

Batay sa reklamo ng mag-asawa, nabatid na naganap ang insidente noon pang June 5, 2014, kung kailan basta na lang umano pinasok ng dalawang pulis ang kanilang motorcycle shop, nang walang kaukulang search warrant.

Sa hindi malamang dahilan ay naghalughog umano ang mga pulis sa naturang motorcycle shop at tinangay ang cellular phones ng mag-asawa, iba’t ibang mga parts ng motorcycle na binebenta ng mag-asawang Pablo ga­yundin ang P73,000 cash na kanilang napagbentahan.

Hindi pa umano nakuntento ang nasabing mga pulis at sapilitan pa umanong isinama si Mark at dinala sa hindi malamang lugar at doon ay sapilitang hiningian ng P100,000, kapalit ng kanyang kalayaan.

Sa panig naman ng mga suspek, mariin nilang pinabulaanan ang bintang sa kanila ng mag-asawang Pablo.

“Hindi po kami lakas loob na haharap dito kung mayroon kaming kasalanan, umaasa akong sa huli ay mapapawalang-sala din kami,” ayon kay Roque.

Sinabi naman ni Garcia na ang reklamo sa kanila ay posibleng bahagi lang nang paghihiganti sa kanilang ginampanang trabaho.

ABELARDO VILLACORTA

ALLAN EMLANO

ARNEL ROQUE

BARANGAY BUTING

CALOOCAN CITY POLICE

CHIEF SUPT

PASIG CITY

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with