^

Metro

Reporter sugatan sa 6 holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang isang betera­nong mamamahayag makaraang masaksak ng mga kabataang holdaper, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nagtamo ng tama ng saksak sa hita at braso ang biktimang si Ferdinand “Bong” Patinio, 43, reporter ng Philippine News Agency (PNA) at naninirahan sa Cabrera Street sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nakatayo sa tapat ng kanyang bahay si Patinio dakong alas-11 ng umaga at may hinihintay nang lapitan siya ng anim na kabataang lalaki na may edad 14 hanggang 16-anyos.

Tinutukan ang biktima ng patalim ng pinakalider ng grupo subalit nagtangkang manlaban si Patinio kaya ito sinaksak ng mga holdaper.

Masuwerteng sa braso at hita lamang tinamaan ang biktima dahil sa kanyang pagsalag.

Hinablot ng mga holdaper ang IPhone 5S ng biktima bago nagsitakas kung saan agad namang sinaklolohan ng isang kapitbahay si Patinio at naisugod sa pagamutan.

Inaalam naman ng pulisya kung may nakakabit na closed-circuit television camera sa naturang lugar sa pag-asang makikilala at maaaresto ang mga holdaper.

CABRERA STREET

DIOS HOSPITAL

FERDINAND

GINAGAMOT

HINABLOT

PASAY CITY

PATINIO

PHILIPPINE NEWS AGENCY

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with