^

Metro

Binata kritikal sa saksak ng nobyo nang binangga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos itong saksakin ng isang binatilyo nang mabangga ng biktima ang girlfriend ng suspek  sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Quezon City General Hospital sanhi ng saksak ng ice pick sa likod ang biktimang si Ramon Christopher Soriano, 26,  ng Rivera St., Sta. Quiteria ng nasabing lungsod.

Nakakulong naman ang 15-anyos na suspect.

Sa imbestigasyon ni P01 Richmon Mataga, ng Caloocan City Police,  alas-11:30 ng gabi, nabangga umano ng lasing na biktima ang nobya ng suspek sa Camp 69 St., Sta. Quiteria ng nasabing lungsod na naging dahilan upang magsumbong ito sa nobyo.

Sinita ng suspek ang biktima na naging dahilan upang mauwi ang mga ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa dumating ang dating ka-live-in ni Soriano na si Melanie Lavapie at inawat ang mga ito.

Subalit, pagtalikod ng biktima ay bigla na lamang bu­munot ng ice pick ang suspek at tinarakan sa likod si Soriano na naging dahilan upang dalhin ito sa naturang pagamutan habang kusang isinuko ng kanyang kuya sa mga pulis  ang binatilyo.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

MELANIE LAVAPIE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUITERIA

RAMON CHRISTOPHER SORIANO

RICHMON MATAGA

RIVERA ST.

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with