^

Metro

Para trapik maibsan: Task Force Pantalan, binuo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para resolbahin ang matinding trapik at congestion sa pantalan ng Maynila,  bumuo ng isang task force ang pamahalaan.

Nabatid na bandang alas-11:00 ng umaga nagpulong at nagkaisa ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) National Capital Region Police Office, (NRCPO), Department of Public Works and Highway (DPWH) North Luzon Expressway (NLEX) at mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Navotas, Malabon at Maynila para magpatupad ng limang counterflow mula sa bahagi  ng Caloocan  patungo sa Road 10 at Delpan sa Maynila.

Sinabi ni  MMDA Chairman Francis Tolentino, simula kahapon (Sabado) sinimulan ang pagpapa­tupad ng limang counterflow na posibleng magtagal ito hanggang Setyembre 21.

Ayon dito,  isasara rin ang isang toll plaza sa NLEX north-bound para makapag-counterflow ang ilang pribadong sasakyan at bus palabas ng expressway patungong Camachile at Monumento.

Nabatid pa kay  Tolentino, handa rin ang NLEX na magpagamit ng shuttle bus para maghatid ng ilang pasaherong maiipit sa trapiko palabas ng Baesa dahil sa inaasahan pang pagbigat  ng trapiko sa susunod pang mga  araw.

Binanggit din ni Tolentino na gagawin nang dalawa ang truck lanes sa Road 10 at  sa Navotas City  area kaya dapat aniya dalawa na rin ang puwesto ng Philippine Ports Authority (PPA) na magpoproseso ng doku­mento ng mga papasok na  truck sa pier.

Nabatid na si Chief Supt. Allen Bantolo ng NCRPO ang itinalagang pinuno ng binuong ‘Task Force Pantalan’ base sa napagka­sunduan sa ginanap na pagpupulong.

 Muling nilinaw ni MMDA Chairman Tolentino na wala silang ipinatutupad na ‘one truck lane policy’ sa Caloocan dahil nakabinbin pa ito sa konseho.

Nauna nang nagturuan at nagsisihan ang mga ahensiya dahil sa matinding trapiko ang naranasan sa NLEX noong Biyernes pa lamang ng umaga hanggang kahapon ng madaling araw.

Samantala, iritang-irita pa rin ang maraming motorista dahil sa muling pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng south bound lane ng  North Luzon Expressway (NLEx) kahapon, araw ng Sabado.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Base, nabatid na alas-4:00 ng madaling araw pa lang nagsimula na ang trapik ng mga sasakyan mula sa area ng Balintawak at umabot ito ng dalawang kilometro.

Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, kalahating kilo­metro na lamang ay aabot na ang dulo nito sa mismong Balintawak toll plaza ng NLEX.

 

ALLEN BANTOLO

BALINTAWAK

CALOOCAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN TOLENTINO

MAYNILA

NABATID

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with