^

Metro

Sumaksak, nakapatay sa konduktor ng Bus Barker na snatcher, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip na kahapon ang isa sa dalawang barker na suma-sideline na snatcher  na sumaksak at nakapatay sa konduktor ng isang provin­cial bus matapos lamang tulu­ngan ng una ang isang babaeng pasahero na hinab­lutan ng kuwintas ng mga suspek noong Miyekules ng hapon.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Louie Lim, 34, binata, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) Gang, at nakatira sa Apelo Cruz St., Zone 16, Brgy. 156, Malibay ng naturang lungsod.

 Pinaghahanap pa ng pu­lisya ang kasama nitong si Benjie Tengco, nakatira rin sa naturang lugar.

Ang dalawang suspek  ay kinilala ng mga testigo sa pamamagitan ng photo gallery­ ng Pasay City Police.

Nabatid  na kamakalawa, alas-2:35 ng hapon, sinaksak at napatay ng nadakip na suspek ang biktimang si Daniel Angeles, 31, konduktor ng Five Star Bus Corporation.

Ito ay matapos  umanong tulungan ng biktima ang isa nilang pasaherong babae na hinablutan ng kuwintas ng mga suspek habang paakyat sa bus sa harapan ng Mighty Mart sa EDSA ng na­turang lungsod.

Mariing itinatanggi ng na­dakip na suspek ang ina­akusa sa kanya at wala aniyang­ katotohanan na siya ang may kagagawan ng krimen­, dahil ang katwiran nito ay natutulog umano siya sa kanilang bahay nang mang­yari ang insidente.

vuukle comment

APELO CRUZ ST.

BATANG CITY JAIL

BENJIE TENGCO

DANIEL ANGELES

FIVE STAR BUS CORPORATION

LOUIE LIM

MIGHTY MART

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with