^

Metro

Kalsada sa MM, nagmistulang parking lot ng mga truck

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmistulang isang malaking parking lot ang kahabaan ng North Luzon Expressway mula Malinta Exit sa Valenzuela City hanggang Balintawak at diretso sa A. Bonifacio Ave­nue, at maging ang ilan pang pangunahing lansa­ngan sa Kalakhang Maynila dahil sa pagdagsa ng napakaraming mga truck.

Dahil dito, umani ng batikos kahapon ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga motorista.

Binatikos nila ang pagpapatupad ng one-truck lane policy na siyang na­ging dahilan nang pagsi­sikip ng mga lansangan.

Nabatid na sa bagong patakarang pinatutupad ng MMDA, sa one-truck lane policy, eksklusibong magagamit ng mga truck ang isang lane sa kahabaan ng Roxas Boulevard, C-5 Road, C-3 at R-10.

Naging bumper to bumper­ na at gitgitan pa ang mga sasakyan sa kahabaan ng  A. Bonifacio Avenue dahil sa napakahabang pila ng mga truck  na papasok ng C-3 Road at umabot pa ito ng sa Valenzuela Interchange hanggang sa ang tail end nito ay napakabigat na daloy ng trapiko.

Nabatid sa NLEX Traffic Management, lalo aniyang bumigat ang daloy ng trapiko, simula nang ipatupad ng MMDA ang one-truck lane policy sa A. Bonifacio Avenue.

Base sa report na natanggap ng MMDA, halos umabot ng kalahating oras ang pagkaantala ng mga motoristang bumabagtas sa naturang lugar at bago pa makalusot ang mga ito lalo’t dagsa ang mga pribadong sasakyan, provincial buses at iba pang pampublikong sasakyan mula sa hilagang bahagi ng Kamaynilaan.

Bilang  alternatibong solution sa naturang reklamo, ayon kay Chris Saruca, ng MMDA Traffic Discipline Office, sinabi nitong nagpakalat na sila ng tauhan para maayos ang trapik sa nabanggit na  lugar.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi sakop ng ahensiya ang A. Bonifacio Avenue na kung saan nakakaranas ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga motorista.

Aniya, tanging pinatupad nila ang naturang policy ay magagamit ng mga truck ang isang lane sa kahabaan ng Roxas Boulevard, C-5 Road at C-3 lamang.

 “Wala pong karapatan ang mga traffic enforcer namin sa lugar na magmantina ng trapiko dahil ito po ay hindi sakop ng MMDA,” ayon pa kay Tolentino.

BONIFACIO AVE

BONIFACIO AVENUE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHRIS SARUCA

KALAKHANG MAYNILA

MALINTA EXIT

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with