^

Metro

Australian nag-dive mula ika-21 palapag, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Basag ang bungo at halos mahati ang katawan ng  isang 65-anyos na matandang binatang Australian national matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan nang pagtalon mula ika-21 palapag na tinutuluyan nitong hotel dahil sa problema umano sa pera, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang nasawing dayuhan na si Robert A. Andrews, ng F-3-6 Edna St., Mt. Waverly, Victoria, Australia at pansamantalang nanunulu­yan sa  Unit 2101,  21th Floor Atrium Hotel EGI Building sa panulukan ng Gil Puyat Avenue (dating Buendia Avenue) at Taft Avenue ng naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat nina SPO1 Cris Gabutin at P03 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:45 ng umaga sa likod na bahagi ng naturang hotel.

Ayon kay Freddie Seguvia, 32, binata, driver ng service car ng nasabing hotel,  kasalukuyan siyang nasa entrance ng hotel na naghihintay ng kanilang mga guest nang biglang mapansin nitong may bumagsak na tao sa bandang likod na kung saan sumabit pa ang katawan sa kawad ng kuryente hanggang sa bu­magsak ito sa kalsada.

Kaagad namang ipinagbigay alam ni Seguvia sa tang­gapan ng Police Community Precinct (PCP)-3 ang insidente.

Nang siyasatin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang silid na inukupahan ng biktima, isang suicide note ang kanilang natagpuan na may 3 pahina na kung saan naka-address ito sa pa­munuan ng Atrium Hotel at sa police investigator.

Ilan sa mga katagang na­kasulat sa suicide note ng biktima na humihingi ng patawad sa kanyang ginawang pagpapakamatay.

“A deeply apologize to your staff for committing this terrible crime on your pre­mises. I have high regards for your hotel its staff I hope his hag minimum impact on  your operation your staff have been helpful, efficient and friendly. I hope will not be  affected too much by my died.

I apologize, deeply and sincerely in advance, for  the mess, disruption, needless de­ployment of  manpower. I had  planned something more tidy, but lack of  finance  meant it finishes like this. I hope that it will be immediately obvious to you that this is only a case of suicide, there is no outside pressure involvement  or collusion as messy as it is, its is all voluntary, so I hope that will lessen how  much investigation  time  you would  otherwise waste on  this  matter. As I say do not look for other ties links, connections involvement to any other person or event, This is my first link to a crime in my life. I am Australian, I have no family o friends to be contacted”, ito ang na­ging pahayag ng biktima. 

Nabatid na ang biktima ay nag-check in noong Agosto 27 at  inuukupahan nito ang unit 2101 at nagtapos na ang kanyang pag-stay sa nasa­bing hotel ay noong Agosto 31, gayunman humingi pa ito ng tatlong araw na extension sa hindi pa mabatid na dahilan hanggang sa isinagawa na nga nito kahapon ng umaga­ ang pagpapatiwakal.

Nabatid kay Jessie De Guzman, hotel manager ng Atrium, na wala naman silang nakitang kakaibang ikinikilos ang biktima nang ito ay mag-check-in sa kanilang hotel.

Problema sa pera ang isa sa mga anggulong iniimbestigahan ng pulisya kung bakit ito nagpatiwakal, patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

Ang labi ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes para-i-au­topsy at nakikipag-ugnayan na rin ang Pasay City Police sa Aus­tralian Embassy.

vuukle comment

AGOSTO

AS I

ATRIUM HOTEL

BUENDIA AVENUE

CRIS GABUTIN

HOTEL

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with