^

Metro

Taas presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos mag-rollback ng pitong beses nitong mga nakaraaang buwan, bumawi naman ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis nang biglaang magpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto epektibo kahapon ng umaga.

 Ang taas presyo at pinangunahan ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines,  na nasa  P0.65 kada litro sa gasolina, P0.25 sa diesel habang P0.15 naman sa kerosene na epektibo kahapon  alas-6:00 ng umaga.

Sa kabila nang  pagtaas ng presyo ng mga produktong pertolyo, nabatid na ang Petron Corporation ay nagbaba naman ng presyo ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG),  na nasa P0.70 kada kilo na katumbas ng P7.70 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo rin ng nasabing oras.

Bukod sa cooking gas, sinabi ni Raffy Ledesma, Strategic Communication Manager ng Petron  tinap­yasan din nila ang halaga ng kanilang X-tend Auto LPG ng P0.39 kada litro.

Sumunod ding nagtaas ng kaparehong  halaga ang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum.

Nabatid, na ang dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyo sa world  market.

CHEVRON PHILIPPINES

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

STRATEGIC COMMUNICATION MANAGER

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with