^

Metro

Dayuhan nagwala, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon ng patung-patong na kasong kri­minal ng Valenzuela City Police ang isang 20-anyos na Papua New Guinean national makaraang manuntok ng isang  estud­yanteng Pinoy, nagwala at laitin ang lahing Pilipino, kamakailan.

Mga kasong slight physical injury, unjust vexation at alarm and scandal ang isinampa ng puliya sa Valenzuela City Prose­cutor’s Office laban sa suspek na si Eric Walap,  20, estudyante ng medisina sa  Fatima University at residente ng Unit 302 55 Fini Homes, Ramon Delfin St., Brgy. Marulas, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, kumakain sa isang burger stand ang information technologist na estudyante na si Heizrough Dojino, 27, dakong alas-2:30 ng madaling-araw noong araw ng Biyernes nang dumating ang suspek na si Walap na lango umano sa alak.

Pinagmumura umano ni Walap ang mga Pinoy na kumakain sa burger stand at nang mapatingin si Dojino ay agad siyang sinuntok sa dibdib ng dayuhan. Humingi naman ng responde ang mga residente sa nagpapatrulyang mga barangay tanod ngunit maging ang mga ito ay pinagmumura at tinangkang saktan ng dayuhang estudyante.

Nagawa namang mapagtulungang mabitbit sa presinto ng mga barangay tanod ang naturang dayuhan hanggang sa mahimasmasan sa pagkalasing sa loob ng istasyon ng pulisya.

ERIC WALAP

FATIMA UNIVERSITY

FINI HOMES

HEIZROUGH DOJINO

PAPUA NEW GUINEAN

PINOY

RAMON DELFIN ST.

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA CITY PROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with