^

Metro

Discipline ordinance, ipapatupad sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatutupad na ngayon sa lungsod Quezon ang “Discipline Hours”, na nagtatakda ng parusa sa mga kabataan na nasa labas pa ng kanilang bahay at nagpaparusa rin sa mga magulang at guardians na nagpapabaya sa kanilang anak na mamalagi sa labas ng tahanan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ito ay makaraang apruba­han ng QC council ang  Ordinance bilang SP 2301, S-2014 na iniakda ni Councilor Ra­nulfo Ludovica.

Nakasaad dito na  ang mga magulang at  guardians ay sasailalim sa merits counseling at multa na P2,000 o 48-oras na community service sa  first offense; dalawang counseling sessions at multa na P3,000 o 72 oras na community service  sa  second offense at sa  third offense ang minor na lumabag sa ordinansa ay ilalagak na sa  social service development department ng city hall at ang kanyang mga magulang o  guardian ay magmumulta ng  P5,000 at anim na buwan na pagkakakulong.

Nakasaad din sa ordinan­sang ito na maging ang mga  kabataan na kahit hindi taga-lungsod na lalabag sa ordinansa ay saklaw ng parusa.

Sa ilalim pa ng ordinansa, walang kabataan na may edad 18 pababa ang pinapayagang nasa labas pa ng kanilang tahanan sa QC o nasa mga lansangan tuwing discipline hours.

Exempted naman sa ordi­nansang ito ang mga kabataan na nasa labas pa ng kanilang bahay pero kasama ng kanilang mga magulang tuwing ‘discipline hours’, gayundin ang mga kabataan na nasa loob ng sasakyan pero may kasamang guardian.

COUNCILOR RA

DISCIPLINE HOURS

IPINATUTUPAD

LUDOVICA

NAKASAAD

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with