^

Metro

3 timbog sa bigong car bombing sa NAIA

Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaking suspek sa diumano’y tangkang pagpapasabog sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ayon sa  National Bureau of Investigation - Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) at NBI Counter-Terrorism Division (NBI-ACTD), maliban sa mga suspek na pansamantalang hindi muna ibnunyag ang mga pangalan, hawak na rin nila ang isang kulay puting Toyota Revo (WMK 129) kung saan natagpuan ang sinasabing improvised explosive devices (IED’s).

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang dalhin ang mga suspek sa tanggapan ng NBI headquarters,  sa Taft Ave., Ermita,  Maynila.

Nabatid na ang mga suspek ay dinakip dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa NAIA Terminal 3 parking lot B, habang inaassemble diumano sa loob ng nabanggit na sasakyan ang may 6 hanggang walong IED.

Ang nabanggit na sasak­yan na kasalukuyang pang bineberipika ay sinasabing nakarehistro sa isang taga Bulacan.

May impormason din ang NBI noon pa umanong isang buwan na may planong pagpapasabog sa NAIA kaya nang may natanggap uling tip hinggil sa presensiya ng mga suspek ay agad nila itong tinungo.

Kaugnay nito inilagay sa full alert status ng  National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paligid ng NAIA.

Nabatid kay  NCRPO Director Chief Supt. Carmelo Valmoria, mas ibayong pag­hihigpit ang ipinatutupad nila  sa loob at labas ng NAIA partikular na sa Terminal 3 kung saan naaresto ang mga suspects.

Sinabi pa ni Valmoria, sa entrada pa lamang ng na­sabing paliparan ay naka-deploy na ang mga pulis.

Aniya, magkasama na ngayon ang mga guwardya, PNP Aviation security group at NCRPO na magsasagawa ng inspection sa bawat papasok sa naturang paliparan.

Idinagdag pa ni Valmoria na wala namang dapat ika­bahala ang publiko sa biglaang paghihigpit lalo ng seguridad sa airport dahil karaniwan nang isinasagawa ito tuwing  may ganitong insidente. 

ANTI-ORGANIZED AND TRANSNATIONAL CRIME DIVISION

CARMELO VALMORIA

COUNTER-TERRORISM DIVISION

DIRECTOR CHIEF SUPT

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with