^

Metro

Field trips, hinigpitan sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Regulated na ngayon ang field trips sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Quezon City  kung saan hindi na dapat isama rito ang swimming, carnival rides, trips sa mga malls at noontime tele­vision shows. 

Ito ay base sa  bagong inaprubahang QC field trip policy at aktibidad  na maaari lamang payagan. Hindi na puwede ang mga  aktibidades na sobrang magastos.

Sa ilalim ng inaprubahang ordinansa ni QC Mayor Herbert Bautista na lumikha sa mga polisiya hinggil sa field trips , nakasaad dito na ang field trips sa Grades 1 hanggang 6 ay dapat lamang gawin sa Metro Manila ma­liban na lamang sa pagpunta sa mga historical sites na aprubado ng  National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Sa ilalim ng  field trip po­licy, ang lahat ng field trips na gagawin ng QC public schools ay dapat aprubado ng city schools division supe­rintendent.

Nakasaad din sa na­apru­bahang ordinansa na ini­akda ni QC Councilor Julienne Alyson­ Rae Me­dalla na ang laha­t ng requests para sa  field trips ay dapat mabusisi ng isang komite na inorganisa ng division of city schools. 

Ang mga dokumento para sa itinerary, field trip fee  at kopya ng resolution na inaprubahan ng mga opisyal at re­presentatives ng school PTA, supreme student go­vernment at school faculty club ay dapat na isubmit sa division of city schools isang buwan bago ang planong field trip.

Kasama rin sa dokumento ang kopya ng comprehensive insurance policy ng mga sasakyan na gamit sa field trip, Certificate of Public Conveyance na isyu ng LTO at LTFRB, updated Certificate of Registration (CR) at Official Receipt (OR) ng sasakyan, driver’s license, kontrata ng paaralan at ng mga magulang na nagsasaad na sila ay pumapayag para sa isang ligtas na field trip ng kanilang mga anak.

Ang mga susuway dito sa unang pagkakataon ay may multa na P1,000 sa alinmang school official, teacher, non-teaching school employee na mag-aapruba sa field trip ng walang written approval ng schools division superintendent.

Ganitong parusa din ang igagawad sa division school superintendent at com­mittee members na nag-apruba ng  field trip na hindi sumusunod sa itinatakda ng ordinansa.

Sa ikalawang pagka­kataon ng pagsuway P2,000 ang multa at multang  P5,000 at suspension  sa 3rd offense.

Ang guidelines para sa  implementasyon ng QC field trip policy  ay dapat na naipalabas ng division of city schools na akma sa kautusan ng Department of Education (DepEd).

vuukle comment

CERTIFICATE OF PUBLIC CONVEYANCE

CERTIFICATE OF REGISTRATION

COUNCILOR JULIENNE ALYSON

DEPARTMENT OF EDUCATION

FIELD

SHY

TRIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with