^

Metro

Driver gulpi-sarado sa taumbayan: Inararo ng fire truck: 1 patay, 12 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na vendor ang nasawi habang 12 katao pa ang nasugatan kara­mihan dito ay nasa malubhang kalagayan makaraang  araruhin ng fire truck na  nawalan umano ng preno, sa Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang nasawi na si Corazon Capambe, tindera ng gulay sa Paco market na nasagasaan at nakaladkad sa kahabaan ng A. Linao St. sa Paco, Maynila ng   Southern Manila fire  truck, na kulay pula ng volunteer fire brigade na nakabase sa nasabing kalye, dakong alas-3:00 ng  hapon.

Maliban sa nasawi, la­bindalawa pa ang iniulat na nasugatan kabilang ang pitong menor-de-edad  na ang pinakabata umano ay isang taong gulang.

Nakapiit na sa Manila Police District-station 5 ang suspek na driver ng nasa­bing fire truck na si John Mark Calica, 35 , fire volunteer, na hindi naman nakaligtas sa pambubugbog nang kuyugin  ng taumbayan.

Sa naging salaysay umano ng driver, mula pa lamang sa Quirino Highway ay nawalan na siya ng preno hanggang sa umabot siya sa Pedro Gil at sa A. Linao St., kung saan nakabase ang kanilang fire truck.

Subalit sa patuloy na pagtakbo ay nagpagewang-gewang na ang truck at hindi makontrol kung saan niragasa nito  ang mga taong nadaanan, ilang  nakaparadang sasakyan at isang pedicab na may dalawang pasahero maging ang mga bata na nasa gilid ng kalye at palengke.

Nang mamatay ang makina at huminto ang truck, sa halip na isugod ang mga sugatan sa  pagamutan ay inuna ng  mga bystander na gulpihin ang driver.

Unang rumesponde naman ang mga tauhan ng Paco Police Station dahil sa mismong tapat ng kanilang presinto ay naganap ang insidente.

CORAZON CAPAMBE

JOHN MARK CALICA

LINAO ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PACO POLICE STATION

PEDRO GIL

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with