^

Metro

BI maglalabas ng LBO vs asawa ni Enzo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anumang oras ay ilalabas ng Bureau of Immigration ang  look-out bulletin laban kay Dahlia Guerrero Pastor, misis ng pinaslang na car racer champion na si Ferdinand Enzo Pastor.

Ito naman ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima kung saan sinabi nito na hinihintay na lamang nila ang formal request mula sa  National Bureau of Investigation upang maisailalim si Dahlia sa look-out bulletin ng BI.

 “As of now, she’s a person of interest. Hinihintay ko lang ang official request. Ready ako anytime to release the immigration LBO against the wife and even against the other two respondents, the alleged mastermind and the gunman,”  ani De Lima.

 Sinabi ni   De Lima na  kahit  walang LBO, nakaalerto na umano ang mga tauhan ng  BI sakaling magtangka si Dahlia na lumabas ng bansa.

Paliwanag ni De Lima, bagama’t hindi mapipigil ng  LBO ang paglabas ng bansa ng mga suspek na si Domingo de Guzman at Dahlia maaari namang gamitin ito ng korte.

 “Kung aalis siya, it’s an indication of flight, an indi­ca­tion na ine-evade niya iyong kaso. Puwede na­ting ipasok sa obstruction of justice iyon,”  dagdag pa ni De Lima.

Aniya, hindi naman sila makapaglabas ng warrant arrest dahil kailangan na munang hintayin ang  resulta ng  inquest. 

Nagsimulang mag-isyu ng  LBO ang  Bi noong 2011 bunsod na rin ng re­straining order mula sa Supreme Court na nagbabawal sa Bi na mag­labas ng  watch list orders.

Ang LBO  ay iba sa  hold de­parture order. Layon lamang ng LBO na imo­nitor ang isang indibiduwal at hindi para pigilan ito na ma­kalabas ng bansa.

 

BUREAU OF IMMIGRATION

DAHLIA GUERRERO PASTOR

DE LIMA

FERDINAND ENZO PASTOR

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with