^

Metro

Inspeksyon sa MRT-3 sinimulan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng mga Hong Kong experts ang pag-i-inspeksyon sa Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT-3 at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ina­asahang aabutin ng 52-araw bago tuluyang makapag­labas ang mga ito ng report hinggil sa MRT-3.

Bubusisiin umano kasi ng mga eksperto ang lahat ng technical aspects ng MRT-3 upang matukoy at maisaayos ang lahat ng problema nito.

Una umanong sisilipin  ang communication system ng linya ng tren matapos na magka-problema noong Sabado at naging sanhi ng halos isang araw na pagkatigil ng operasyon nito.

Sa kasalukuyan ay tatlong Hong Kong experts ang nasa bansa, kabilang ang signaling at telecommuni­cations experts, ngunit may darating pa umanong dalawa pang eksperto para mapadali ang pagbusisi sa susunod na mga araw.

Kumpiyansa naman si Cabrera na makakatulong ang audit na gagawin ng mga eksperto para mabigyan ng isang direksyon ang MRT-3 na galing sa isang third party.

Samantala, dumanas ng mas mahabang pila ang mga pasahero ng MRT-3 ka­hapon matapos na hindi makabiyahe ang dalawang tren nito.

AYON

BUBUSISIIN

CABRERA

HERNANDO CABRERA

HONG KONG

KUMPIYANSA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with