^

Metro

Onsehan sa droga mag-live-in partner, niratrat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Onsehan sa droga  ang tinitingnang anggulo ng  Manila Police District sa pamamaril sa  mag-live-in partner na ikinasawi ng lalaki at ikinasugat naman ng malubha  ng  babae, kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital si Eduardo Manoloto, ng   Miguelin St., Sampaloc, Manila  dahil sa limang tama ng bala ng baril sa katawan. Tatlong tama naman ng bala ng baril ang  natamo ni Rosie Guinto, 36. Ang dalawa ay kapwa ginagamot sa Ospital ng Maynila.

Ayon kay MPD homicide chief, Chief  Insp. Steve Casimiro, onsehan sa droga ang anggulo na kanilang  tinitingnan lalo pa’t talamak ang bentahan ng  droga sa lugar.

Batay naman sa report ni Det. Marlon San Pedro, dakong alas-7:30 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa isang barung-barong  sa panukulan ng Nepomuceno at Arlegui Sts. Quiapo, Maynila.

Naglalakad ang dalawa patungo sa isang lugar kung saan umano may kakatagpuin subalit biglang inabutan ng malakas na ulan dahilan upang sumilong ang mga ito sa isang barung-barong nang lapitan sila ng suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng di nabatid na baril at tumakas matapos ang insidente.

ARLEGUI STS

EDUARDO MANOLOTO

MANILA POLICE DISTRICT

MARLON SAN PEDRO

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

MIGUELIN ST.

ROSIE GUINTO

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with