^

Metro

Sa kasong kidnapping, Dennis Roldan hinatulan ng habambuhay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng hukuman laban sa dating aktor at congressman na si Dennis Roldan matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong pangingidnap sa isang batang Filipino-Chinese  noong 2005.

Batay sa desisyong ibi­naba ni Presiding Judge Rolando Mislang ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167, kahapon si Roldan, o Mit­chell Gumabao sa tunay na buhay, at dalawang kasabwat nitong sina Rowena San Andres at Adrian Domingo, ay sinentensyahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo, dahil sa pagdukot kay Kenshi Yu, na noon ay tatlong taong gulang pa lamang.

Samantala, pinawalang-sala naman ng hukuman sa kaso ang isa pang akusado na si Octavio Garces.

Pagkatapos ng hearing­, ka­agad nang ibiniyahe sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si Roldan, na personal na dumalo sa promulgasyon, gayundin sina San Andres at Domingo.

Si Roldan ay inaresto noong Pebrero 20, 2005 makaraan ang mata­gumpay na rescue operation sa biktima sa Cubao, Quezon City.

Pansamantala siyang nakalaya mula sa isang taong pagkabilanggo sa Pasig City Jail matapos na maglagak ng kalahating milyong pisong piyansa habang ang kanyang mga kapwa akusado ay nanatili sa bilangguan simula nang maaresto noong 2005.

Kaugnay nito, hindi naman pinanghinaan ng loob si Roldan sa desisyon ng hukuman at sinabing si­mula pa lamang ito ng laban.

Tiniyak ng legal counsel ni Roldan na si Atty. Orlando Salatandre Jr. na iaapela nila ang kaso sa Court of Appeals.

ADRIAN DOMINGO

COURT OF APPEALS

DENNIS ROLDAN

KENSHI YU

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

OCTAVIO GARCES

ORLANDO SALATANDRE JR.

PASIG CITY JAIL

ROLDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with