^

Metro

2 tricycle driver, utas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tricycle driver ang binaril at napatay ng riding-in-tandem na suspects, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rommel Manalastas, 43, at Ferdinand Pamparo, 47.  Isinugod ang dalawang biktima sa Manila Central University Hospital ngunit kapwa wala nang buhay nang dumating sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan Police, kapwa naghihintay ng pasahero ang dalawang biktima sa kanto ng 8th Avenue at M.H. Del Pilar St. dakong alas-2 ng hapon nang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo ang dumating.

Agad na pinaputukan ng angkas sa motor ang biktimang si Manalastas na sa kabila ng tama ng bala ay nakatakbo at nagtangkang magtago sa tricycle na minamaneho ni Pamparo.  Sinundan naman ng mga salarin ang biktima at muling pinaulanan ng bala upang matiyak na mapapatay ito ngunit nadamay din ang biktimang si Pamparo.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinukoy ng isang kapatid ni Manalastas ang isang alyas Adonis Paz na nasa likod umano ng pamamaslang sa kanyang utol.  Sinabi nito na nakatanggap kamakailan si Rommel ng  death threats  buhat kay Paz na isa umanong kilalang tulak ng iligal na droga.

Nadakip umano kamakailan si Paz ng mga pulis at maaaring pinaghinalaan nito ang kanyang kapatid  na siyang nagturo sa kanya sa mga pulis ukol sa mga iligal na aktibidad.

Patuloy pa ang dagdag na imbestigasyon ng Caloocan Police sa insidente kasabay ng pag-alam sa totoong pagkakakilanlan ng suspek na si Paz.

ADONIS PAZ

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DEL PILAR ST.

FERDINAND PAMPARO

MANALASTAS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

PAMPARO

PAZ

ROMMEL MANALASTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with