^

Metro

Mga U-turn slot sa QC, isasara ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na isara ang mga U-turn slots sa bahagi ng Katipunan Road, Quezon City dahil sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Lumilitaw  na tumaas ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa mga U-turn slots partikular ang mga truck kaya patuloy ang narara­nasang pagsisikip na daloy ng trapiko.

Base sa record ng MMDA, nabatid na nasa 50 hanggang 80 porsiyento  ang itinaas ng bilang ng mga truck na dumaraan sa mga U-turn slots sa nasabing lugar. Dahil dito,  ang  panguna­hing solusyon ng MMDA ay ang isara na ang mga U-turn slots sa nasabing lugar kung saan dadagdagan ng traffic lights.

Planong lagyan ng traffic light sa harapan ng Miriam College habang ang isa naman ay  sa harapan ng Ateneo­ De Manila University.

Matatandaan, ipinatupad na rin ito ng MMDA sa bahagi ng Quezon Avenue kung saan isinara na rin ang  mga U-turn slots kaya upang lumuwag ang daloy ng trapiko.

Una nang sinabi ni MMDA Traffic Engineer Center head Noemi Recio, na ang mga itinalagang U-turn slots ang madalas na pinagmumulan ng trapik dahil na rin sa pa­saway  na mga motorist.

Sa halip na isang lane lamang ang ookupahan para sa kanilang pag U-turn ay madalas dalawa hanggang tatlong lane ang inokupahan kaya lalong nagkakatrapik sa naturang lugar.

DE MANILA UNIVERSITY

KATIPUNAN ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MIRIAM COLLEGE

NOEMI RECIO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with