^

Metro

Tren na di pumasa sa quality check, hindi ibibiyahe — APT Global

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Autre Porte Technique (APT) Global Inc., ang maintenance contractor ng Metro Rail Transit (MRT-3), na hindi nila papayagang makabiyahe ang mga tren na hindi naka­pasa sa kanilang quality checklist.

Ayon kay Victorino Espiritu, project ma­nager ng APT Global, isi­nasailalim na nila sa maintenance at check-up ang lahat ng MRT trains upang matukoy kung alin sa mga ito ang maaari pang kumpunihin at alin ang hindi na ma­aaring gamitin.

Samantala, inaasahan nang lalong mada­ragdagan ang ‘parusa’ sa mga commuters ng MRT-3 dahil lalo pang hahaba ang pila at ipaghihintay nila bago makasakay at makarating sa kanilang destinasyon bunsod ng pinabagal na speed limit nito.

Mula noong Miyer­kules ay sinimulan na ang pagbiyahe ng mga MRT trains sa bilis na 40 kilo­meters per hour (kph) na mas mababa ng 10 kilometro mula sa dating 50 kph, na nangangahu­lugan na ang isang one-way trip ay mas hahaba ng mula pito hanggang 10 minuto kumpara sa dati.

Ayon kay MRT at LRTA spokesman Her­nando Cabrera, ang pag­pa­patupad ng mas mabagal na speed limit ay bahagi ng kanilang mga bagong safety procedure kasunod ng pagka­diskaril ng isang tren sa EDSA-Taft Avenue station noong Agosto 13 na nagresulta sa pagka­sugat ng 34 na pasahero.

“Pag nadagdagan ’yung travel time natin, nadagdagan ’yung turn-around ng ating mga tren, hahaba rin ’yung mga paghihintay natin, lalo na ’yung mga nasa baba na naghihintay ng kanilang masasakyan na tren,” paliwanag ni Cabrera.

Gayunman, umaasa si Cabrera na magiging maganda ang epekto ng naturang bagong regulasyon dahil maiiwasan na rin ang pag-over-use sa mga tren at sa mga riles nito.

AUTRE PORTE TECHNIQUE

AYON

CABRERA

GLOBAL INC

METRO RAIL TRANSIT

SHY

TAFT AVENUE

VICTORINO ESPIRITU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with