^

Metro

Pagdiriwang ng QC day, pinangunahan ng NHCP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang pagdiriwang ng ika-136 taong kaarawan ni dating Pangulong  Manuel Luis Quezon sa isang seremonya sa Quezon Memorial Shrine sa  nabanggit na lungsod. Sa naturang pagdiriwang ay naging guest of honor at speaker­ ­si UP Chancellor Michael L. Tan kasama sina Quezon City Mayor Herbert Bautista., Vice Mayor Joy Belmonte at kaanak ni dating Pangulong Quezon. Kahapon ay  special non working public holiday sa lungsod, lalawigan ng Quezon at sa Aurora bilang paggunita sa dating Pangulo.

Si Pangulong Quezon na namatay sa sakit na TB  noong  August 1, 1944 sa Saranac Lake , New York , ay inaalala hindi lamang  founding father ng QC at unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas kundi isa ding ama ng social justice at national language. Inaalala rin si Quezon na  tanging Pangulo ng bansa na inalay ang Pilipinas bilang tirahan ng mga Jews  na naparusahan sa Nazi Germany. Sinasabing nai-donate niya ang kanyang sariling lupa sa Marikina at Mindanao para tirhan ng mga Jewish refugees.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni QC tourism chair at QC Vice Mayor Joy Belmonte na bilang pag -alala kay Pangulong Quezon ay may mga bagong proyekto ang lokal na pamahalaan para sa pag-preserba sa kasaysayan ni Pangulong Quezon at isa na dito ang itinatayong Quezon museum at library projects.

Bukod pa rito anya ang plano para sa digitalization at micro­film transfer ng ilang  memorabilia ni Pangulong  Quezon na ngayon ay naka-preserve sa National Archives.

vuukle comment

CHANCELLOR MICHAEL L

MANUEL LUIS QUEZON

NATIONAL ARCHIVES

NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES

NAZI GERMANY

PANGULO

PANGULONG QUEZON

QUEZON

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with