^

Metro

Lider, 5 miyembro ng carnapping group, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nabuwag na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kilabot na sindikatong ‘Mac Lester carnapping group’ matapos na maaresto ang lider at ilang tauhan nito sa walang humpay na follow-up operations sa Caloocan, Malabon at kalapit na probinsya sa Bulacan at Quezon.

Kinilala ni QCPD director Supt. Richard Albano, ang mga suspek na sina Mac Lester Reyes, 37, lider ng grupo; Richell Sibug, 30; Armando dela Cruz, 26; Alvin Ganac, 19; Pablito Guma­sing, 34; at Macario San Diego, 23.

Ayon kay Albano, nadakip ang mga suspek ng tropa ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD sa pamumuno ni  Chief Insp. Rodelio Marcelo at  Senior Insp. Rolando Lorenzo Jr., sa tulong na rin ng Highway Patrol Group Task Force Limbas sa pamumuno ni Police Supt. Ferdinand Villanueva.

Sa ulat, naganap ang pag-aresto sa mga suspek matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa isang hinihinalang carnap na sasakyang Toyota Prado   na ginagamit ng suspek na si Dela Cruz at Ganac ay ibabagsak sa kahabaan ng Cardiz St., Banawe sa lungsod, ganap na alas- 9 ng gabi

Sa ginawang beripikasyon sa sasakyan, nabatid ng CIDU na ang Prado ay karnap dahil ang plaka nito ay sa isang Isuzu D-Max  na iniulat na kinarnap din  sa Project 8 noong June 18, 2014.

Naispatan ng mga opera­tiba ang Toyota Prado at sinundan nila ito hanggang pumasok sa isang compound sa Bustamante St., Malabon, kung saan nila ito sinalakay at nadakip sina Dela Cruz at Ganac.

Nakumpiska mula dito ang isa pang Toyota Grandia at iba pang piraso ng ebidensya.

Sa interogasyon, itinuga ng dalawa ang hideout ni Reyes sa isang condominium sa Caloocan City. Nagtangka pang manlaban si Reyes pero nasukol din ito.

Narekober sa kanya ang isang kalibre 45 baril at dalawang plastic sachet ng shabu, gayundin ang isang Toyota Hi-Ace van at isang Nissan Patrol, ilang picklocks na gamit sa kanilang iligal na operasyon.

Sa mga sumunod na ope­rasyon ay nadakip pa ang ibang galamay nito.

ALVIN GANAC

BUSTAMANTE ST.

CALOOCAN CITY

CARDIZ ST.

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DELA CRUZ

FERDINAND VILLANUEVA

TOYOTA PRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with